31 bahay nasunog sa Tagum City

Tinupok ng apoy ang 31 mga bahay sa Barangay Magdum sa Tagum City, Linggo (May 26) ng gabi.

Ayon sa Tagum City Fire Department, umabot sa dalawang oras ang sunog sa Purok 8B, Curvada Street bago ito tuluyang naapula.

Masikip kasi ang daanan papasok sa pinangyarihan ng sunog at kinailangang magdugtong-dugtong ng fire hose para maapula ang apoy.

Sa inisyal na imbestigasyon, naiwanang niluluto ang dahilan ng sunog.

Sa pagtaya ay aabot sa P1.5 million ang halaga ng mga nasunod na ari-arian.

Read more...