Director ng DILG Region 4-A, sugatan sa pamamaril

DILG Region 4Nasugatan sa pamamaril ang director ng region 4 ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Si DILG region 4 director Renato Brion ay ginagamot ngayon sa Calamba Medical Center matapos barilin sa Barangay Parian sa Calamba alas 7:30 ng umaga kanina.

Ayon kay Police Supt. Chita Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon PNP, kabababa lamang ng sasakyan ni Brion, papasok sa kaniyang tanggapan sa DILG Region 4-A office sa Barangay Parian nang siya ay tambangan.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up operations para maaresto ang salarin.

Kalilipat lamang kay Brion sa DILG Region 4 noong May 2015, dahil dati itong nakatalaga bilang director ng National Capital Region ng DILG.

Nakilala si Brion noong kasagsagan ng pagpapatupad ng suspensyon kay suspended Makati City Mayor Junjun Binay noong March 2015.

Si Brion kasi mismo ang nagsilbi noon at nagpaskil ng suspension order sa tanggapan ni Binay.

Read more...