Pamamahagi ng fuel card itutuloy ng LTFRB mula ngayong araw
Simula ngayong araw ay mamamahagi na muli ng Pantawid Pasada Program fuel cards ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa LTFRB, simula ngayong Lunes (May 27) balik na muli ang pagproseso at pag-validate ng aplikasyon at pamimigay ng PPP Fuel Cards.
Hinikayat ng LTFRB ang mga operator-drivers na sa kanila nakapangalan ang prangkisa na i-claim na ang fuel cards sa mga itinakdang schedule at lugar.
Maari namang magpadala ng kinatawan ang operator o driver na kung hindi sila ang personal na makakakuha ng cards.
Ayon sa LTFRB, maaring tumawag sa pinakamalapit na regional office sa kanilang lugar upang matukoy ang schedule ng pamamahagi ng fuel cards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.