Trump kauna-unahang foreign leader na nakapulong ang bagong emperor ng Japan

Si US President Donald Trump ang naging kauna-unahang foreign leader na nagkaroon ng pagkakataon na personal na makausap ang bagong emperor ng Japan na si Naruhito.

Bumisita si Trump at first lady Melania Trump sa Imperial Palace sa Tokyo, Lunes (May 27) ng umaga.

Susundan pa ito ng royal banquet Lunes ng gabi.

Bahagi rin ng pagbisita ni Trump sa Kapan ang pakikipagkita niya kay Prime Minister Shinzo Abe.

Magkakaroon din ng summit ngayong araw sa pagitan nina Trump at Abe.

Read more...