75 motorsiklo ipinagkaloob ng QC-LGU sa mga tauhan ng QCPD

By Dona Dominguez-Cargullo May 27, 2019 - 08:45 AM

Aabot sa 75 units ng Yamaha NMax motorcycles ang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga Quezon City Police District (QCPD).

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Herbert M. Bautista ang seremonya par asa turnover ng mga motorsiklo sa Camp Karingal.

Layon nito ayon kay Bautista na palakasin pa ang kakayahan ng mga tauhan ng QCPD sa pagpapatrulya at pagkakaloob ng seguridad sa mga residente sa lungsod.

Nagpasalamat naman si QCPD director, Police Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr. kay Bautista sa mga suporta nito sa pulisya.

Tiniyak ni Esquivel na gagawin ang lahat upang ang Quezon City ay maging isa mga lugar sa bansa na ligtas tirahan.

TAGS: QCPD, quezon city, Radyo Inquirer, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.