Higit P70 na rollback sa presyo ng LPG ipatutupad sa Hunyo

By Dona Dominguez-Cargullo May 27, 2019 - 07:40 AM

May inaasahang malakihang rollback sa presyo ng LPG o cooking gas sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Nitong nagdaang linggo, malaking na ang ibinagsak ng contract price ng imported na LPG.

Sa pagtaya ng oil industry nasa P6.40 kada kilo na ang rollback sa presyo ng LPG o katumbas ng P70.40 na rollback sa kada 11-kilogram na LPG tank.

Maari pa namang mabago ang nasabing halaga ng rollback hanggang sa May 31 sa sandaling matukoy na ang final contract price ng LPG ngayong buwan.

TAGS: BUsiness, LPG Price, oil industry, oil price, rollback, BUsiness, LPG Price, oil industry, oil price, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.