Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ngayong umaga ng Lunes, May 27 ay nasa 170.19 meters ang water level ng Angat dam.
Mas mababa kumpara sa 170.49 meters kahapon ng umaga.
Karamihan naman sa mga dam sa Luzon ay nadagdagan ang water level.
Kabilang na dito ang La Mesa dam na mula sa 68.64 meters kahapon ay 68.68 meters ang water level ngayon.
Nadagdagan din ang water level ng Ipo, Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.
Habang nabawasan naman ang water level ng San Roque at Pantabangan dams.
MOST READ
LATEST STORIES