30 patay, 200 nawawala sa lumubog na bangka sa Congo
Aabot sa 30 ang nasawi habang pinaghahanap ang nasa 200 iba pa makaraang lumubog ang isang bangka sa western Congo.
Ayon sa mayor ng Inongo, Congo, karamihan sa sakay ng lumubog na bangka ay pawang guro.
Regular aniyang bumibiyahe sa Lake Mai-Ndombe sakay ng bangka ang mga guro para kumulekta ng kanilang sweldo dahil sa hindi magandang kondisyon ng kalsada doon.
Hindi pa tiyak kung gaano karami ang sakay ng bangka pero ang hindi magandang panahon ang tinitignang dahilan ng paglubog nito.
Mahigit 80 na ang nailigtas sa nasabing aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.