Halos 8,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Nona
Aabot sa halos walong libong pasahero ang stranded na ngayon sa mga pantalan dahil sa bagyong Nona.
Sa update mula sa Philippine Coast Guard (PCG) nasa 7,934 na pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan, 62 barko, 11 motor bancas at 552 na rolling cargoes.
Pinakamaraming stranded na pasahero sa Oriental Mindoro na aabot sa 2,377; Maynila – 2,266; ang Batangas – 743; Catbalogan, Samar – 630; Cebu – 600; Sorsogon – 533; at ang Maasin – 410.
May mga stranded ding pasahero sa Albay, Catanduanes, Masbate, Tagbiliran, Southern Quezon, Romblon at Ormoc.
Pinapayuhan ang lahat ng Coast Guard units na mahigpit na ipatupad ang guidelines sa pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag may bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.