Mas marami pang kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng rollback ngayong linggo

By Angellic Jordan, Rhommel Balasbas May 27, 2019 - 03:51 AM

Matapos ang pagtaas ng presyo noong nakaraang linggo, may price rollbak sa presyo ng mga produktong petrolyo mula nitong weekend hanggang araw ng Martes, May 28.

Sa abiso ng Seaoil, Shell, Petro Gazz at Phoenix Petroleum P0.35 ang tapyas sa kada litro ng gasolina at P0.45 naman sa kada litro ng diesel.

May rollback din na P0.60 sa kada litro ng kerosene o gaas ang Shell at Seaoil

Nauna nang nagpatupad ang Phoenix Petroleum ng rollback alas-6:00 pa lang ng umaga ng Linggo.

Ayon naman sa Seaoil, epektibo ang oil price adjustment alas-12:01 Martes ng madaling-araw habang alas-6:00 ng umaga naman ang Shell at Petro Gazz.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), maglalaro ang presyo ng kada litro ng gasolina mula P46.15 hanggang P63.16, kerosene mula P46.04 hanggang P59.70 habang ang diesel naman ay mula P41.50 hanggang P49.05.

TAGS: Department of Energy, oil companies, oil price rollback, Department of Energy, oil companies, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.