NCRPO nasa full alert status para sa pasukan sa June 3
Naghahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa muling pagbubukas ng klase sa June 3 para sa Taong Panuruan 2019-2020.
Ayon kay NCRPO chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila ay isasailalim sa full alert status, eksaktong isang linggo bago ang pagbubukas ng pasukan.
Isa sa mga tututukan ay ang paresponde sa pekeng bomb threats na problema para sa NRCPO tuwing nagbubukas ang klase.
Sinabi ni Eleazar na may inilatag na protocol para sa mga ulat tungkol sa bomb threats bilang bahagi ng security preparation ng NCRPO.
Kung sakaling may natanggap na bomb threat ang isang tao, dapat itong agad na makipag-ugnayan sa school’s administration at security officials.
Pagkatapos ay agad na iuulat ito sa pinakamalapit na police station para sa agarang pagresponde.
Ipatutupad ang evacuation sakaling dumating na ang explosives ordnance division (EOD) at agad na magsasagawa ng search operations.
Sakaling may matagpuang bomba ang EOD, magsagsawa ng safe rendering procedure para ma-detonate ang bomba.
Nauna nang sinabi ni Eleazar na 7,153 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila para tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.