11th death anniversary ni FPJ, ginugunita ngayong araw

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Nagtipon-tipon ngayong araw ang kaanak at mga tagasuporta ni The King Fernando Poe Jr., sa kaniyang puntod sa Manila North Cemetery.

Ito ay kaugnay ng paggunita ng ika labing-isang taon na pagpanaw ng aktor.

Pinangunahan ni Senator Grace Poe at Susan Roces ang pag-alala kay The King ngayong araw kasama ang iba pang miyembro ng pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Kuha ni Marlon Ramos/PDI

Isang misa ang isinagawa sa pangunguna ni Fr. Larry Faraon at nagkaroon din ng pag-aalay ng bulaklak.

Umawit din sina Cookie Chua at Bayong Barrios ng awiting “Kumusta Ka” at “Bagong Umaga”.

Ang mga kaanak, kaibigan at supporters ni The King na dumalo sa paggunita ng kaniyang death anniversary ay pawang nakasuot ng puting damit.

Read more...