Isa pang sama ng panahon nagbabadyang pumasok sa bansa
Isang sama ng panahon na nasa bahagi pa ng Guam ang nakatakdang pumasok rin sa bansa ayon sa PAGASA.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA forecaster Glaiza Escullar na ang direksyon ng nasabing sama ng panahon ay palapit ng Pilipinas.
Kung hindi aniya mababago ang direksyon at kilos nito, papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo.
Sa Biyernes inaasahan ang posibleng paglabas ng bansa ng Bagyong Nona at sa nasabing araw din posibleng pumasok naman ng bansa ang kasunod niyang bagyo.
Sa sandaling pumasok sa bansa, papangalanang Onyok ang nasabing bagyo.
Kung tuluyang papasok sa bansa ang nasabing bagyo na ang pang labing limang bagyo sa Pilipinas ngayong taong 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.