4 patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Maguindanao
Nasa apat katao ang nasawi dahil sa magkakahiwalay na pamamaril sa Maguindanao.
Sa Sultan Kudarat, dead-on-the-spot ang dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ng armadong riding-in-tandem sa Barangay Rebuken pasado 1:00, Linggo ng hapon.
Kinilala ni Maj. Julhamin Asdani, hepe ng Sultan Kudarat Municiapl Police Station, ang mga biktima na sina Celso Kusain, 25-anyos, at Anthony Jumadiao, 23-anyos.
Aniya, pauwi na sana ang dalawa sa Parang nang mangyari ang pananambang.
Sinabi ng mga kaanak ng mga biktima na nag-aayos ang dalawa ng mga dokumento sa pag-aapply sa Philippine Army sa Camp Siongco na headquarters ng 6th Infantry Division sa Datu Odin Sinsuat.
Ipinag-utos naman ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Police Regional Office chief Brig. Gen. Graciano Mijares ang pagtulong sa paghahanap sa mga responsable sa krimen.
Sa Mamasapano naman, binaril Din ang dalawang lalaki sa Barangay Tukanalipao bandang 4:30, Sabado ng hapon.
Sinabi ng mga opisyal na posibleng pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang sa mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.