Higit 600 katao, nagpositibo sa HIV sa isang lugar sa Pakistan

Nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang mahigit 600 katao sa isang lugar sa southern Sindh province sa Pakistan.

Sa isang press conference, inilahad na nagpositibo ang nasa 681 katao sa kabuuang 21,375 na residente sa Rato Dero malapit sa distrito ng Larkana.

Sa naturang bilang, sinabi ni special health advisor Zafar Mirza na 537 katao rito ay mga bata na may edad 2 hanggang 12.

Isa aniya sa posibleng pagdami ng kaso ng HIV positive sa lugar ay ang paggamit ng hindi ligtas na syringe.

Dagdag pa nito, nakaaalarma na ang bilang ng HIV positive sa bansa.

Dahil dito, patuloy aniya ang aksyon ng gobyerno para alamin ang puno’t dulo ng pagkalat ng sakit at kung paano ito maiiwasan.

Taong 2017, nakapagtala ng 20,000 na bagong kaso ng HIV infection sa Pakistan.

Read more...