Bawas-presyo sa ilang produktong petrolyo, ipinatupad simula sa araw ng Linggo (May 26)
(Updated) Matapos ang pagtaas ng presyo noong nakaraang linggo, inaasahan ang pagkakaroon ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo sa darating na Martes, May 28.
Sa abiso ng Seaoil Philippines Inc. at Pilipinas Shell Corporation Corp., magkakaroon ng bawas-presyong P0.35 sa kada litro ng gasolina.
P0.45 naman ang bawas sa kada litro ng diesel habang P0.60 sa kada litro ng kerosene o gaas.
Ayon sa Seaoil, epektibo ang oil price adjustment banda 12:01, Martes ng madaling-araw habang 6:00, Martes ng umaga naman sa Shell.
Nauna namang nagpatupad ang Phoenix Petroleum Philippines ng bawas na P0.45 sa kada litro ng diesel at P0.35 sa kada litro ng gasolina bandang 6:00, Linggo ng umaga (May 26).
Inaasahan naman ang pag-anunsiyo ng iba pang kumpanya ng langis para sa oil price adjusment.
Sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), maglalaro ang presyo ng kada litro ng gasolina mula P46.15 hanggang P63.16, kerosene mula P46.04 hanggang P59.70 habang ang diesel naman ay mula P41.50 hanggang P49.05.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.