Ipapakalat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar ang 7000 pulis sa pagbubukas ng klase sa June 3.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa unang aral ng eskwelahan.
Ayon kay Eleazar, nakipagtulungan na sila sa mga paaralan para sa mga itatalagang PNP personnel.
Magbabantay rin aniya ang PNP sa mga karaniwang daanan ng mga estudyante sa pamamagitan ng paglalagay ng checkpoints.
Dagdag pa ni Eleazar, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.