Ito ang naging sagot ni reelected senator Cynthia Villar sa mga nagtatanong kung may plano ba niyang tumakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas sa 2022 elections.
Aniya, naniniwala siya sa kapalaran. Dagdag pa ni Villar, wala raw siyang balak na tumakbo bilang senate president.
Mas bibigyan niya ng atensyon ang pinamumunuan niyang komite sa senado tulad ng committee on agriculture and food, at committee on environment and natural resources.
Matatandaang si Villar ang nanguna sa nakaraang midterm election kung saan nakalilom siya ng 25,283,727 na boto.
MOST READ
LATEST STORIES