Reunion tour ng Spice Girls, nagsimula na

By Noel Talacay May 26, 2019 - 12:51 PM

Nagsimula na ang reunion tour ng pinakasikat na girl grupo noong 90’s na Spice Girls.

Sa Dublin, Ireland ginanap ang una nilang concert kung saan maaga palang ay maraming naghintay na mga fans.

Ang kantang “Spice Up Your Life” ang pambungad nilang kanta sa mga fans.

Ang nasabing iconic girl group ay binubuo nina Scary, Sporty, Ginger at Baby Spice.

Samantala, nalungkot naman ang ibang fans dahil hindi nakasama si Mel B dulo ng pagkakaroon ito ng iritasyon sa kaliwang mata.

Nasa 12 shows pa ang gagawin ng spice girls sa iba’t ibang lugar at ilan sa mga ito ay sa Wales, england at Scotland.

TAGS: Reunion Tour, spice girls, Reunion Tour, spice girls

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.