2 bata patay, 7 sugatan sa pag-atake ng Abu Sayyaf sa Sulu

By Clarize Austria May 26, 2019 - 11:48 AM

Dalawang bata ang patay habang pito naman ang sugatan matapos biglang atakihin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf group ang mga sundalo sa Sulu, araw ng Sabado, May 25.

Ang napatay na mga bata ay kinilalang sina Saiful Abdun, 1 taong gulang at Jahida Usab, 12 anyos.

Limang sundalo at dalawang sibilyan naman ang sugatan sa insidente.

Ayon sa press release na inilabas ng Joint Task Force (JTF) Sulu, isang platoon ng 6th Special Forces Battalion ang nagtungo sa lugar upang kausapin ang mga residente patungkol sa ilang proyekto.

Bigla na lamang inatake ng 30 miyembro ng Abu Sayyaf ang tropa ng militar sa lugar.

Ang pag-atake ay nagdulot ng palitan ng putok ng dalawang kampo na tumagal ng 30 minuto.

Sinabi naman ni JTF Sulu Commander Brigadier General Divino Rey C. Pabayo Jr. na ang pagkakapaslang ng dalawang bata at pagkadamay ng dalawang sibilyan ay isang repleksyon kung paano nagtatamin ng takot ang Abu Sayyaf sa mga mamamayan.

TAGS: 6th Special Forces Battalion, abu sayyaf group, dalawang bata ang patay, Joint Task Force (JTF) Sulu, Limang sundalo at dalawang sibilyan naman ang sugatan, 6th Special Forces Battalion, abu sayyaf group, dalawang bata ang patay, Joint Task Force (JTF) Sulu, Limang sundalo at dalawang sibilyan naman ang sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.