2 kadete ng Mabalasik Class ng PMA hindi makakapagtapos ngayong araw
Dalawang lalaking kadete na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 ang hindi makakapagtapos ngayong araw, May 26.
Ayon kay PMA spokesman Major Reynan Afan, inalis ang dalawang kadete sa orihinal na bilang ng magtatapos noong Biyernes dahil sa paglabag sa mga regulasyon.
Kung hindi aniya madedelay ng isang tao ang dalawa ay maari silang makapagtapos sa susunod na graduation sa 2020.
Nahaharap ngayon sa parusa ang dalawa.
Paglilinaw ni Afan, hindi nasuspinde ang dalawa dahil hindi ang Cadet Honor Code ang kanilang nilabag.
Ang Honor Code ay mga batas na nagtatalaga kung paano kumilos ang isang kadete sa loob at labas ng institusyon.
Mula sa orihinal na bilang na 263 ay 261 na lang ang magtatapos ngayong araw ng Linggo.
Ang Mabalasik Class Valedictorian naman ay isang babae sa katauhan ni Cade First Class Dionne Mae Umalla mula sa bayan ng Alilem sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.