Posibleng “crime of passion” ang pagpatay sa babae sa Muntinlupa ayon sa PNP

By Noel Talacay May 26, 2019 - 10:12 AM

Posibleng crime of passion ang tinitingnang angulo ng Philipine National Police (PNP) Muntilupa sa pagpatay sa isang 22-anyos na babae na isinilid sa sako at saka itinago sa isang bodega sa Barangay Cupang, Muntinlupa City, Sabado ng umaga, May 25.

Ang biktimang si Sheva Adare Mae Prementil, assistant supervisor sa isang supermarket sa Alabang at tubong Bukidnon ay nagtamo nga sugat sa ulo at mga laslas sa tiyan at kamay, at halos matanggal na ang mga daliri ng biktima.

Samantala, natukoy kaagad ng mga otoridad ang suspek at kinilalang si Alexander Morpuz, 23-anyos, kapitbahay at nanliligaw umano sa biktima.

Ayon sa paunang report ng pulisya, ang amo mismo ni Corpuz ang nakadiskubre sa bangkay ng dalaga sa kanilang bodega matapos mapansin ng roommate nito na duguan ang kama ng biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operation ang Muntinlupa police sa paghahanap sa suspek.

TAGS: Barangay Cupang, crime of passion, Muntinlupa City, Philipine National Police (PNP) Muntilupa, Barangay Cupang, crime of passion, Muntinlupa City, Philipine National Police (PNP) Muntilupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.