Bahagi ng isang gusali gumuho sa Surigao del Sur; 26 katao na-trap

By Clarize Austria May 26, 2019 - 09:49 AM

Gumuho ang unahang bahagi ng isang gusali sa Mangagoy, Bislig City sa lalawigan ng Surigao del Sur kagabi, araw ng Sabado, May 25.

Ang bumigay na parte ay inuukupan ng isang botika alas 7:30 ng gabi kung saan 26 na katao ang na-trap sa loob.

Agad namang rumesmonte sa insidente ang mga rescuers mula sa 911 Bislig City, Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine National Police (PNP).

Matagumpay na naisalba ang mga na-trap na empleyado at customer sa gumuhong gusali.

Bukod sa botika, nadamay rin sa pinsala ang pitong motorsiklo at isang tricycle na nakapark sa labas ng establisyimento.

TAGS: 26 na katao ang na-trap, 911 Bislig City, Bislig City, Bureau of Fire Protection (BFP), Mangagoy, Philippine National Police, surigao del sur, 26 na katao ang na-trap, 911 Bislig City, Bislig City, Bureau of Fire Protection (BFP), Mangagoy, Philippine National Police, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.