Andanar: NPO sumusunod lang sa utos ng COMELEC
Sumusunnod lang ang National Printing Office (NPO) sa mga kautusan ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa pag-imprenta ng mga election materials na may kaugnayan sa 2019 polls ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.
Sinabi ito ni Andanar matapos kwestyunin ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang sinasabin subcontracting sa printing ng voter’s information sheet para sa nakalipas na halalan.
Sa isang panayam, sinabi ni Andanar na nag-imprenta ang NPO ng mga information sheets base sa initutos sa ahensya.
Dagdag pa ni Andanar, hindi mag-iimprenta ang NPO ng mga balota o anumang information sheet kung walang approval ng COMELEC.
Giit niya, nag-iimprenta lang ang NPO at ang COMELEC ang nagbibigay ng go signal.
Ayon kay Andanar, dapat tanungin ang iba pang COMELEC commisioners pati na rin si NPO director Francisco Vales Jr. patungkol sa isyu.
Ani naman ni Guanzon, kung mapatunayan na may subcontracting na naganap at lumabag ang NPO sa regulasyon ng Commission on Audit (COA) ay papatawan sila na kaukulang parusa.
Matatandaang nanghingi ng paliwanag si Guanzon mula sa NPO kaugnay ng naganap umanong subcontracting sa isang printing press.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.