15 arestado sa sinalakay na drug den sa Maynila

By Ruel Perez December 14, 2015 - 04:30 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Naaresto ang aabot sa labing-limang katao sa isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group ng NCRPO sa dalawang drug den sa Sampaloc Maynila.

Isinagawa ang operasyon sa Las Vegas Street sa Barangay 418 Sampaloc Maynila.

Ayon kay Chief Inspector Robert Razon, ang hepe ng NCRPO-RAID, nasa apat na babae at labing-isang lalaki ang kabilang sa naaresto.

Ang mga arestadong indibidwal ay dinala na sa DAID o District Anti-Illegal Drugs ng Manila Police District (MPD).

Nasa limampung gramo naman ng hinihinalang shabu at marijuana ang nakuha ng mga awtoridad sa dalawang drug den na sinalakay na may Street value na aabot sa P200,000.

Sa operasyon, may nagpanggap na bibili ng illegal na droga mula sa dalawang drug den sa halagang dalawang libong piso at sampung libong piso.

Nang magkaabutan na ay sinalakay na ng mga awtoridad ang lugar at narekober din ang ibat ibang drug paraphernalia.

TAGS: Drug Den in Manila, Drug Den in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.