Sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng isang istasyon ng radyo sa Davao City, Biyernes ng gabi, May 24.
Ayon sa report, mabilis na naapula ang sunog dahil nakaresponde agad ang mga bumbero.
Bukod dito, gumamit din ng fire extinguisher ang guwardya at mga empleyado ng gusali upang patayin ang apoy.
Ayon kay SF01 Teresi Uyzon, nakita nila na nagsimula ang apoy sa may CCTV decoder.
P30,000 ang halaga na tinupok na ari-arian ng nasabing sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.