Mga pasahero sa Mexico may solusyon laban sa mga ‘Bandidos’

By Clarize Austia May 26, 2019 - 07:30 AM

May solusyon ang mga pasahero ng bus sa Mexico sa nangyayaring pagnanakaw, ito ay ang pagbili ng mga pekeng cell phones o dummy phones.

Ang mga dummy phones na mukhang totoong cell phones ay nagkakahalaga ng P300 hanggang P500 o $15 hanggang $ 25 na maaring ibigay ng biktima sa mga magnanakaw.

Epektibo ang mga dummy phones sa panlilinlang sa mga masasamang loob na regular na umaatake sa mga bus, maliit man o malaki.

Maraming kaso ng pagnanakaw sa bus ang nakukuhanan ng mga bidyo ng mga camera araw-araw.

TAGS: dummy phones, Mexican commuters, dummy phones, Mexican commuters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.