Sa pag-uumpisa ng implementasyon ng bagong kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hindi na makakapagbaba ng mga pasahero sa lansangan ang mga pampasaherong UV Express at gagawin ng Point-to-Point (P2P) ang operasyon nito.
Ito ay kasunod ng inilabas na Memorandum Circular (MC) No. 2019-25 na nagsususog at bumubuwag sa polisiya ng 2009-19 na nagbibigay ng 2-kilomertrong palugid sa mga dyarber ng UV Express na magsakay at magbaba sa loob ng kanilang ruta.
Sa bagong polisiyang ipapatupad, maaari na lamang load at unload ng pasahero ang mga UV Express vans sa mga itinalagang terminals.
Nilagdaan ang memorandum noong May 16 at wala pang eksaktong petsa kung kailan ipapatupad ang implementasyon ayon sa Metropolitan Manila Development Authrity (MMDA).
Ang bagong memorandum ay alinsunod sa mga ginawang hakbang ng mga otoridad na paluwagin ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.
Sinabi rin ng pamunuan ng LTFRB na hindi nagagamit ng maayos ng UV Express ang kanilang mga terminals na nagdudulot ng laganap na pagbababa sa mga gilid ng lansangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.