Forced evacuation ipinatupad na sa mga lugar na tinutumbok ng bagyong Nona

Nona Dec 14 2Nagpatupad na ng forced evacuation sa mga nakatira sa baybaying dagat ng Eastern Samar.

Sa forecast kasi ng PAGASA, ang bagyong Nona ay dadaan sa Northern Samar ngayong tanghali.

Mamayang hapon naman ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Sorsogon ang bagyong Nona kaya sinimulan na rin ang paglilikas sa mga pamilyang nakatira sa mga high risk areas sa Sorsogon.

Tinatayang aabot sa sampung libong pamilya ang nakatakdang ilikas sa nasabing lalawigan.

Matapos ang pagtama mamaya sa Sorsogon, tatawid ng Albay Province ang bagyo patungo sa Burias Island.

Dahil dito, nagsuspinde na ng klase sa buong lalawigan ng Albay para sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sinuspinde rin ni Albay Governor Joey Salceda ang pasok sa mga tanggapah ng gobyerno maliban lamang ang mga ahensyang may kinalaman sa pagtugon sa kalamidad.

Ayon sa PAGASA, sa mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signal numbers 3 at 2 ay posibleng umabot sa hanggang 4 meters ang taas ng storm surge.

Read more...