Employer ni Dayag sa Kuwait, kinasuhan na

By Len Montaño May 26, 2019 - 01:56 AM

Sinampahan ng kaso ng mga otoridad sa Kuwait ang amo ng Filipinang si Constancia Dayag kaugnay ng pag-abuso at pagpatay sa OFW.

Batay sa impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinampahan ng Kuwaiti General Prosecutor’s Office ang amo ni Dayag na nakilalang si Bader Ibrahim Mohammad Hussain ng kasong felony murder.

Ipinaalam ito ng ahensya sa pamilya ni Dayag sa gitna ng burol nito sa Angadana, Isabela.

Noong Huwebes ay dumating sa bansa ang mga labi ng Pinay mula Kuwait.

Una nang napaulat na inabuso si Dayag bukod sa pagpatay dito.

Sa ngayon ay ikinukunsiderang suspek ang amo ni Dayag na si Hussain.

 

 

 

TAGS: Amo, Constancia Dayag, DFA, employer, felony murder, kinasuhan, kuwait, ofw, Amo, Constancia Dayag, DFA, employer, felony murder, kinasuhan, kuwait, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.