NBI tapos na sa reautopsy sa OFW na pinatay sa Kuwait
Tapos na ang isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) na reautopsy sa mga labi ng 47 anyos na si Constancia Dayag, ang overseas Filipino worker na pinatay sa Kuwait.
Ayon kay NBI spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin, kumuha ang ahensya ng sample tissue mula kay Dayag at nagsagawa sila ng swabbing.
Ilalabas anya ang resulta ng reautopsy at toxicology test sa susunod na apat hanggang limang linggo.
Si Dayag na namatay umano sa hematoma ay sinasabing inabuso ng kanyang amo.
Nakatakda sanang umuwi ng bansa ang Pinay noong May 16 pero nalaman ng pamilya nito na ito ay patay na isang araw bago ang naturang petsa.
Lumabas sa imbestigasyon na sinaktan at ginahasa si Dayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.