Lacson sinisi ang mga tiwaling Customs officials sa pagpasok ng basura sa bansa
Sinisi ni Senator Panfilo Lacson ang mga corrupt na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpasok sa Pilipinas hindi lang ng iligal na droga kundi pati mga basura ng ibang bansa.
Ayon kay Lacson, hanggat patuloy na nagtatrabaho sa BOC ang mga pekeng consignee, at mga tiwaling broker at opisyal, tone-toneladang mga basura ang papasok sa bansa.
“As long as fictitious consignees and unscrupulous brokers continue to work with corrupt customs officials, tons of garbage and shabu will enter our country’s ports,” pahayag ni Lacson sa Twitter.
Wala namang sinabing ibang detalye si Lacson ukol sa mga tiwaling opisyal ng BOC.
Pahayag ito ng Senador sa gitna ng pagtambak sa bansa ng mga basura mula sa Canada, Australia, South Korea at Hong Kong.
Una nang inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagsauli ng mga basura sa Canada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.