Natagpuan ang bangkay ng isang lalake sa harap ng traveler’s inn sa Quezon City, Sabado ng umaga, May 25.
Ayon sa mga pulis, nakita ang bangkay 5:00 ng madaling araw sa may Muñoz Market.
Walang damit pang-itaas at nakapantalon ang lalake nang matagpuan ito ng isang guwardiya.
Hindi umano nakapasok sa inn ang lalake dahil wala itong pera kaya naghintay na lamang ito sa labas ngunit nakita na lamang ng gwardiya kinaumagahan na nakahandusay na at may dugo sa ulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.