Signal #3 itinaas sa 9 na lugar dahil sa bagyong Nona, Signal #1 nakataas naman sa Metro Manila
Napanatili ng Bagyong Nona ang lakas nito habang nagbabanta sa bahagi ng Samar at Sorsogon.
Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 205 km East ng Catarman, Northern Samar. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kph. Bahagya itong bumagal at kumikilos ngayon sa direksyong pakanluran sa bilis na 17 kph.
Nakataas ngayon ang Signal Number 3 sa Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Albay kabilang ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Biliran at Samar.
Signal Number 2 naman sa Masbate kabilang ang Burias Island, Camarines Norte, Marinduque, Romblon, Southern Quezon at Leyte.
Habang Signal number 1 sa Metro Manila, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, Batangas, Cavite, Rizal, Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Island, Southern Leyte, Northern Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Northern Negros Occidental, Dinagat province at Siargao Island.
Ang automatic suspension batay sa rules ng Department of Education (Deped) at ng Commission on Higher Education (CHED) ay iiral sa mga lugar na may nakataas na public storm warning signals.
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga ang bagyo ay nasa bahagi na ng Burias Island sa Masbate.
Nasa 140 km West ng Calapan City sa Oriental Mindoro sa Miyerkules ng umaga at posibleng sa Sabado pa ng gabi lalabas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.