Brigada Eskwela nauwi sa rambol

By Bernalyn Guillermo May 25, 2019 - 07:53 PM

Nauwi sa rambol ang isinagawang brigada eskwela sa isang public high school sa Caloocan City kung saan isa ang nasugatan.

Nagtamo ng sugat sa leeg at ulo ang isang estudyante matapos tangkaing saksakin ng isang grupo ng kabataan.

Ayon sa mga pulisya, nakilahok ang isang grupo ng kabataaan sa isinasagawang brigada eskwela sa Tala High School nang dumating ang isa pang grupo ng kabataan at nagsimulang magrambol ang dalawang kampo.

Nahuli naman ng mga otoridad ang suspek na sumaksak sa estudyante at agad na itinurn-over sa mga otoridad ng barangay.

TAGS: Brigada Eskwela 2019, caloocan city, rambol, Tala High School, Brigada Eskwela 2019, caloocan city, rambol, Tala High School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.