Humiling si Mayor Joselito Malabor sa Regional Trial Court (RTC) sa Bacolod City na bilangin muli ang mga boto sa 37 clustered precincts sa Isabela para makumpirma na siya ang nakakamit ng maraming boto at para maipahayag bilang winning mayor sa lugar.
Si Malabor ay nakakuha ng 13,844 na boto samantalang ang kalaban nito na si Dr. Irene Montilla ay may 13,892 na boto.
Ayon kay Malabor, nagsampa siya ng petisyon sa supreme court bago sa RTC ngunit nagtalaga sila ng special courts para mapag-usapan at mapasyahan ang kinasasangkutan ng mga inihalal na opisyal ng munisipalidad.
Hiniling niya na ilipat ang mga ballot boxes sa mga contested precincts na nasa kustodiya ng Isabela para mabilang muli ang mga boto.