Palasyo: Trillanes dapat maghanda sa muling pagkakakulong

May 25, 2019 - 07:20 PM

Dapat ng maghanda si Senator Antonio Trillanes IV sa posibilidad na makulong muli dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa sinasabing ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ibahin ni Peter Joemel Advincula o alyas “Bikoy” ang kanyang salaysay kaugnay sa ‘Ang Totoong Narcolist’ videos at sinabing ang Liberal Party at si Trillanes ang nasa likod nito.

Pinatamaan naman ni Pangulong Duterte si Trillanes na “shameless’ o “walang hiya” at tinukoy pa na ang outgoing senator ang may pakana ng ouster plot.

Pinabulaan ni Trillanes na hindi totoo ang akusasyon sa kanya at sinabing pakana lang ito ng administrasyon upang i-harass ang oposisyon.

Iginiit ni Panelo na dapat sagutin ni trillanes ang mga paratang sa kaniya at sinabing puro papuri ang senador nang lumabas ang mga videos laban sa pangulo.

TAGS: “Ang Totoong Narcolist”, Peter Joemer Advincula o alyas ‘Bikoy’, “Ang Totoong Narcolist”, Peter Joemer Advincula o alyas ‘Bikoy’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.