Rollback sa presyong petrolyo ipapatupad sa susunod na linggo

By Marlene Padiernos May 25, 2019 - 06:57 PM

Matapos ang sunud-sunod na pag-aanunsyo ng oil price hike, ngayon ay inaasahan ang pagkakaroon ng rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tinatayang magkakaroon ng rollback sa martes mula P0.50 – P0.55 kada litro ng diesel, habang P0.40 – P0.50 kada litro ng gasoline, at P0.50 – P0.60 naman sa kada litro ng kerosene.

Inaasahan rin sa pagtatapos ng buwan ang pagbabawas sa presyo ng Liquified Petrolium Gas o LPG.

Dahil ito sa mahigit $100 na bagsak presyo sa world market ng contract price ng LPG.

Nilinaw ng mga pinagkukunan ng petrolyo na malaki pa ang posibilidad na mabago ang contract price ng mga produkto sa mga susunod na araw.

Mailalabas umano ang pinal na presyo ng gagawing rollback sa May 31, 2019.

TAGS: oil price hike, rollback sa produktong petrolyo, oil price hike, rollback sa produktong petrolyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.