“Bikoy” nakalabas na sa Camp Crame

Inquirer file photo

Nakalabas na ng Philippine National Police General Hospital si Peter Advincula, alyas “Bikoy” umaga ng Sabado.

Ayon sa ulat, alas-8:25 ng umaga ng ma-discharged ng ospital si Advicunla makaraang bumalik sa normal ang kanyang blood pressure.

Si Advincula ay dalawang beses na dinala sa ospital kahapon makaraang tumaas ang presyon.

Isinailalim din ito sa medical examination bago tuluyan palabasin ng pagamutan.

Sinamahan naman siya ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa paglabas ng PNP General Hospital.

Kahapon ay nakapag-lagak ng piyansa ang kampo ni Advincula kaugnay sa mga kinakahara niyang kaso ng estafa at illegal recruitment.

Read more...