Pastor timbog sa pagbebenta ng droga sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 25, 2019 - 05:53 AM

Contributed Photo

Arestado ang isang pastor mula sa Cainta, Rizal sa buy-bust operation ng pulisya sa Cubao, Quezon City, madaling araw ng Sabado.

Nakilala ang suspek na si Jimmy Dela Tore, 49 anyos, na nagbibigay pa umano ng values formation sa mga pulis at estudyante.

Ayon kay Cubao Police Station Drug Enforcement Unit Chief Police Capt. Ramon Acquiatan, isang buwan nang minamanmanan ang suspek.

Batay anya sa mga salaysay ng drug suspects na nahuhuli sa bahagi ng Aurora Blvd., isa ang pastor sa nagsusuplay sa kanila ng shabu.

Ani Acquiatan duda pa sila sa una sa pagkakasangkot ng pastor sa kalakalan ng bawal na gamot ngunit positibong nakabili ng droga ang kanilang poseur buyer.

Nakuha mula sa pastor ang sampung sachet ng hinihinalang shabu.

Aminado ang suspek na gumagamit siya ng shabu ngunit pinabulaanan na siya ay nagbebenta.

Nagkataon lamang anya na nagbenta siya kaninang madaling araw dahil kinapos siya sa pera.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, Cubao Police, pastor arrested in buy-bust operation, pastor formator, QCPD Station 7, buy bust operation, Cubao Police, pastor arrested in buy-bust operation, pastor formator, QCPD Station 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.