LPA na binabantayan sa Visayas natunaw na

Tuluyan nang natunaw ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Visayas.

Ayon sa 4am weather update ng ahensya, frontal system ang umiiral ngayon sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas at southwesterly windflow naman sa kanlurang bahagi ng bansa.

Dahil sa naturang weather systems ang Cagayan Valley, Bicol Region mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Maaliwalas at mainit na panahon pa rin ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon na magdudulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.

Ang buong Visayas, Zamboanga Peninsula, ARMM at SOCCKSARGEN ay makararanas pa rin ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil pa rin sa frontal system at southwesterly windflow.

Read more...