Cardinal Tagle muling naihalal bilang presidente ng Caritas Internationalis
Muling naihalal bilang presidente ng Caritas Internationalis si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ang Caritas ay ang pinakamalaking development at social service organization ng Simbahang Katolika.
Nakumpirma para sa kanyang ikalawang four year-term ang cardinal sa general assembly ng Caritas kahapon (May 24) sa Rome.
Binuksan ang assembly sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinangunahan mismo ni Pope Francis sa St. Peter’s Basilica.
Tatagal ang assembly hanggang sa May 28 kung saan pipili rin ang mga miyembro ng bagong general secretary, treasurer at iba pang opisyal.
Una nang nailuklok si Cardinal Tagle para pamunuan ang Caritas taong 2015 kung saan siya ang kauna-unahang presidente ng organisasyon na nagmula sa Asya.
Bilang pinuno ng Caritas, nabibigyang pagkakataon si Tagle na bisitahin ang mga lugar na nasalanta ng mga kalamidad at karahasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.