Ateneo may pa-bonfire bilang pagdiriwang sa tagumpay sa UAAP Season 81

Photo by Tristan Tamayo/INQUIRER.net

Ipinagdiwang ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa pamamagitan ng bonfire Biyernes ng gabi ang kanilang nakuhang championship titles sa katatapos lamang na UAAP Season 81.

Naibalik na sa Katipunan ang tropeo sa men’s football at women’s volleyball.

Noong May 16, pinangunahan ni season MVP Jarvey Gayoso ang football team ng unibersidad para talunin ang De La Salle University sa iskor na 2-1.

Naging mainit naman ang sagupaan ng Lady Eagles at University of Santo Tomas Golden Tigresses ngunit nanaig ang mga agila sa best-of-3 finals.

Ang bonfire kagabi ay ang ikalawa na ngayong Season 81 kung saan ang una ay noong December 2018 para ipagdiwang ang ikalawang sunod na panalo ng Blue Eagles sa men’s basketball title.

Dumalo sa selebrasyon ang pamilya ng mga atleta kabilang na rin ang ilang remarkable alumni tulad nina two-time UAAP basketball MVP Kiefer Ravena at three-time UAAP volleyball MVP Alyssa Valdez.

Lubos ang pasasalamat ni Ateneo president Fr. Jose Ramon Villarin sa binigay na tagumpay ng mga atleta sa Pamantasan.

 

 

Read more...