Andanar hindi pa inaalok para maging political adviser
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na wala pang alok sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte na maging susunod na political adviser.
Ito ay sa gitna ng mga usap-usapang papalitan ng kalihim si Senator-elect Francis Tolentino bilang bagong Presidential adviser political affairs habang itatalaga naman si Erwin Tulfo bilang bagong pinuno ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Sa panayam ng media araw ng Biyernes, sinabi ni Andanar na hindi pa siya nakakausap ng pangulo tungkol sa paglipat sa ibang trabaho.
Mahirap anyang ikonsidera ang isang bagay na hindi naman inalok sa kanya ngunit handa siya sakaling italaga ng presidente sa isang ahensya sa labas ng PCOO.
“It’s difficult to consider something that has not been offered to you. I work at the pleasure of the President and you know, I’m a good soldier so if the President assigns me to a specific agency or a department then maybe the President sees a little bit of capability or capacity on my part to serve in a particular agency outside of PCOO,” ani Andanar.
Samantala, para kay Andanar, qualified na maging kanyang kapalit si Tulfo dahil sa milyon-milyong Filipinong tagasubaybay nito at may kredibilidad anya ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.