Application para sa SHS Voucher Program bubuksan na bukas (May 26)

By Rhommel Balasbas May 25, 2019 - 03:02 AM

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) Biyernes ng gabi na simula bukas (May 26) ay maaaring nang mag-apply para sa Senior High School (SHS) Voucher Program para sa Taong Panuruan (School Year) 2019-2020.

Ayon sa kagawaran, parehong bubuksan ang manual at online applications simula bukas.

Ang SHS voucher program ay ang financial assistance program ng kagawaran para sa qualified Grade 10 completers na nagnanais matapos ang SHS sa private schools, state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).

Para sa manual applications, kailangang ipadala o personal na isumite ang kanilang filled out Voucher Application Form (VAF-1) at requirements sa PEAC National Secretariat, 5th Floor Salamin Building, 197 Salcedo Street, Makati City 1229 bago o mismong sa May 31.

Para naman sa online applications, kailangan isumite ang filled out form at scanned copy ng requirements sa Online Voucher Application Portal (OVAP) bago o mismong sa June 2 ngunit maaari lamang gumawa ng OVAP accounts hanggang May 31.

Sinabi ng DepEd na manatiling nakaantabay para sa kumpletong listahan ng requirements at application procedures.

 

 

 

 

TAGS: application, apply, deped, LUCs, manual, online, Online Voucher Application Portal, Senior High School., SUCs, voucher, application, apply, deped, LUCs, manual, online, Online Voucher Application Portal, Senior High School., SUCs, voucher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.