Survey sa pagganda ng kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino, welcome sa Malacañang

By Rhommel Balasbas May 25, 2019 - 02:27 AM

Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing gumanda ang kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino.

Ayon sa first quarter survey ng SWS, 38 percent ng mga Filipino ang nagsabing gumanda ang kanilang pamumuhay, mas mataas sa 37 percent noong December 2018.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, iginigiit lamang ng resulta ng survey na nakikita ng mga mamamayan ang walang kapagurang trabaho ng pangulo para sa mapaunlad ang bansa.

“These results once again emphasize that our people see and appreciate the President’s tireless efforts to improve and bring about genuine and positive change to the nation,” ani Panelo.

Dapat umano itong magsilbing wake-up call sa mga kritiko ng administrasyon na tila bulag-bulagan sa mga magagandang nagawa ng gobyerno para sa masang Filipino.

“This is yet another loud repudiation against – and yet another wake-up call to – the critics and detractors of the Duterte administration, which include the Left-leaning groups, militant Church members and the political opposition, who continuously and deliberately ignore our achievements which redound to the benefit of the Filipino masses,” dagdag ng kalihim.

Tiniyak naman ng Malacañang na ipagpapatuloy ng gobyerno ang mga pagsusumikap na sinimulan ng presidente.

“With a great majority of administration candidates overwhelmingly voted by our people to continue supporting the advocacies of the President, the current government, fueled by the optimism of the Filipino people, would work double time to improve on the significant gains of the past three years during the remainder of PRRD’s term as Chief Executive,” giit ni Panelo.

 

TAGS: kalidad ng pamumuhay, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, survey, SWS, wake-up call, kalidad ng pamumuhay, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, survey, SWS, wake-up call

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.