Grab mamimigay ng P7M halaga ng promo para sa kanilang 7th anniversary

May handog na higit P7 milyong halaga ng rewards ang ride-hailing firm na Grab para sa kanilang 7th anniversary.

Sa isang pahayag, sinabi ng Grab na sa susunod na dalawang linggo ay may P77 na discount para sa GrabCar, P777 na cashback para sa GrabPay, P7 na Grab bundles at gift certificates mula sa kanilang partners.

Mayroon ding ipamimigay na 1 million Grab Rewards Points ang kumpanya sa pitong Grab users habang may 50,000 Grab Rewards Points sa pitong iba pa bilang consolation prize.

Para makasali sa raffle promo, kailangan lang magregister ng Grab users at ibigay ang kanilang mobile number at address.

Pipiliin ang mga mananalo sa pamamagitan ng electronic raffle sa June 5 at ibibigay ang premyo sa Anniversary Night sa June 6.

Ayon kay Grab Philippines President Brian Cu, paraan nila ito upang suklian ang mga Filipino consumers dahil ang mga ito ang dahilan kung bakit matagumpay ang kumpanya sa ngayon.

 

 

Read more...