25 sugatan sa banggaan ng 2 bus sa Mt. Province

By Len Montaño May 25, 2019 - 01:35 AM

Credit: Joannette Paramio

Dalawamput-limang katao ang sugatan sa salpukan ng 2 bus sa Sabangan, Mt. Province Biyernes ng hapon.

Sangkot sa insidente ang isang bus ng Rising Sun at isang unit ng GL Transit.

Sa Facebook video ni Joannette Paramio, mapapanood ang pagtulong ng ilang katao sa mga nasugatang pasahero.

Ayon sa pulisya, biyaheng Baguio ang isang bus at papunta namang Sagada ang nakabangaan nito.

Dinala sa Luis Hora Hospital ang 18 biktima habang sa Bontoc General Hospital naman ang 7 iba pa.

Ayon sa Sabangan Bureau of Fire Protection, parehong sugatan ang driver ng dalawang bus.

Matapos na pansamantalang isinara sa daloy ng trapiko, nadaraanan na ngayon ang Tagudin-Cervantes-Sabangan Road.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa dahilan ng aksidente.

TAGS: 2 bus, 25 sugatan, banggaan, GL Transit, Mt Province, Rising Sun, Sabangan, Sabangan Bureau of Fire Protection, salpukan, 2 bus, 25 sugatan, banggaan, GL Transit, Mt Province, Rising Sun, Sabangan, Sabangan Bureau of Fire Protection, salpukan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.