US magpapadala ng 1,500 na mga sundalo sa Middle East

AP photo

Inabisuhan ng administrasyon ni President Donald Trump ang US Congress sa planong pagpapadala ng 1,500 na mga sundalo sa Middle East sa gitna ng iringan ng bansa at Iran.

Ayon sa isang opisyal, ang notification sa Kongreso ay kasunod ng pulong sa White House kung saan tinalakay ang panukala ng Pentagon na paigtingin ang pwersa ng Estados Unidos sa Middle East.

Humiling ang opisyal na huwag siyang pangalanan dahil wala pang pormal na anunsyo sa planong dagdag pwersa sa Middle East.

Una rito, sinabi ng Pentagon na binabalangkas na ang plano na magpadala ng 10,000 na dagdag na mga sundalo sa rehiyon.

Pero sinabi ni Acting Defense Secretary Patrick Shanahan na hindi pa kumpirmado ang bilang ng ipapadalang mga sundalo sa Middle East.

Sinimulan na ng US ang troops reinforcement sa Persian Gulf region ngayong Mayo bilang tugon sa umanoy banta mula sa Iran.

 

 

 

 

Read more...