LOOK: Hitsura ni Marian Rivera isang buwan matapos manganak

By Len Montaño May 24, 2019 - 11:57 PM

Marian Rivera FB

Viral sa social media ang unang kita ng publiko sa aktres na si Marian Rivera isang buwan matapos nitong ipanganak ang pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes.

Sa post-baby look ni Marian, makikita na slim agad ang aktres kaya naman humanga ang mga netizens.

Ayon sa mga fans, fresh, blooming at maganda si Marian kahit bagong panganak lang ito.

Inilabas ng Qurator Studio ang mga larawan ng aktres kung saan makikita itong nakasuot ng damit na gawa ng designer na si Rosanna Ocampo.

Marian Rivera FB

Ayon sa mga netizens, kahit may eyebags ay sadyang maganda ang aktres at parang hindi ito nanganak.

Ang mga larawan ay para sa photo shoot para sa bagong endorsement ni Marian.

Una nang sinabi ni Marian na focus muna siya sa pag-aalaga sa kanyang baby boy na si Ziggy bago ito bumalik sa trabaho.

 

 

 

 

TAGS: blooming, Dingdong Dantes, fresh, maganda, Marian Rivera, nanganak, Qurator Studio, Rosanna Ocampo, Ziggy, blooming, Dingdong Dantes, fresh, maganda, Marian Rivera, nanganak, Qurator Studio, Rosanna Ocampo, Ziggy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.